Gates of Hell
Samahan niyo kong tuklasin ang mga Question Mark sa 2013 ko…
Puno na ang balde at ang isang tabo ng sikreto! COMING SOON!!!
kasalukuyang natatae!
Passed or Failed ?
3 sa mga co-teachers ko na ang nakapasa sa Licensure Exam para sa pagtuturo. congrats sa kanila… ngayon ako naman ang susubok, medyo challenging lang kase hindi naman talaga ako Education Student.. Graduate ako ng A.B Pol.Sci at kumuha ng ilang units para makapagturo.. . pero hindi pa din matatawag na ganap na guro dahil kumbaga sa lalake eh supot pa ako dahil sa wala pa akong LISENSYA… grabe ka-pressure lang .. bigla ko tuloy naramdaman ang panganib na sinusuong ng mga estudyante ko pag kumukuha ng exam ko… hayyyyyy.. ang totoo pa nan my trauma na ko sa mga exam-exam na yan.. .
.
may mga exam na succesful may hindi at eto ang ilan:
Entrance exam nung Highschool.. - ok eto yung unang duguan na exam na experience ko pagkatapos ng walang kwentang elementary days ko .. oo hindi ako sanay sa ganitong exam . palibhasa noong elementary lagi lang nakaupo si mam at umiikot lang ang buhay niya sa paggawa ng lesson plan.. anyway natural instinct ko lang ang nagsalba sa akin sa pagkuha ng una kong entrance exam.. wala namang nabagsak dito pero importante dahil I.Q test yun at dito nakasalalay kung saang seksyon ka mapapapunta. dito nakasalalay kung saan pangkat ka mabibilang. kumbaga eto yung magsasabi kung row 4 ka ba o row 1 o row 2 (pasintabi sa mga bobo/row 2.. hehe).
.
.
RESULT: ABOVE AVERAGE ang I.Q ko at napunta ako sa First Section.. yebah….
.
.
.
.
.Exam para sa SCHOLARSHIP - simula first year ako hangang second eh panay promissory notes lang ako twing mag-eexam.. yung sunod na punta ko sa principal’s office eh nag-iiyak na ko dahil gusto ko talaga kumuha ng finals. eh andun yung presidente ng skul ayun jockpot inalok ako ng scholarship basta maipasa ko lang yung exam..
.
RESULT: PASSED- hehe pamilyar lang yung exam ,pareho lang kasi yun ng kinuha ko nung sa entrance exam siguro for formality lang yung exam na ito… ayun naging scholar ako ng 2 years .salamat ky mam. MENESES.. Mam Parayno, at Sir .Rivera at sa madrama kong buhay…
.
.
UPCAT: ok SHIIIIT lang ito . eto pa na naman yung pinapangarap ko. matapos ang ilang buwan na review. tragedy ang kinahinatnan. Mejo may bitterness talaga pag naala ko ito.. mahabang kwento.. hindi ako pumas dito kase nawalan ako ng chance kumuha dahil na-late ako.. shit diba? magdamag akong nagreview at 7:30am ang exam ko. 6:30am nasa kwarto pa ako at nagrereview napasarap lang.. ayun pandalas ako sa pagbibihis wala ng ligo ligo. 9am ako nakarating sa UPLB.. umiiyak habang nakatitig sa testing room. yeah emong emo… sa sobrang bitter ko isinumpa ko na sana walang makapasa sa mga klasmeyt ko… hehehe…
.
.
RESULT: nagkaroon ako ng REVUPHOBHIA- phobia sa pagrereview mula noon umasa na lang ako sa stock knowledge. natutunan ko ang salitang $h!+…
.
.
.
COLLEGE ENTRANCE EXAM sa CCC: nakakatamad ikwento*.
.
..
..
.
.Philippines National Police Academy Qualifying Exam: naging pariwara ang buhay ko nung unang year ko sa college. di ko 3p yung kinuha kong course ko kaya ayun napilitan akong sundin yung trip nung tatay ko -MAG PULIS. .
.PULIs? eh ayoko nga yung mga trabahong may makikitang dugo… kaya medyo nahirapan akong kumbinsihin yung sarili ko. tapos nasa isip ko pa noon panay barilan ang mangyayari pag grumaduate ako dito. naenganyo lang akong kumuha dahil sa 15k na allowance kada buwan pag nasa academy ka na.. bonnga pa ang sahod mo pa nagtapos ka dito…
.
.
.RESULT: tiwala lang sa stock knowledge ayun nakapasa… naramdaman ko bigla ang bigat ng mga baril…..
.
.
.
.Neuro -Psychiatric Exam - eto yung pangalawang exam pagkatapos ng Qualifying Exam sa PNPA. kala ko tapos na.. masaya tong exam na to. YES or No lang ang sagot, mga 2000 items ata to.. ang sistema eh susukatin lang yun consistency ng sagot mo.. andaming tanong susukatin talaga yun loob mo kung sa pagpupulis ka nga nababagay , paulit-ulit lang yung tanong iniiba lang yung structure nuing tanong pero ganun pa rin yung tema….
.
.
.
.
.
.RESULT: bagsak ata ko dito, ewan di ko na tiningnan yung resulta. panu kase. halimabaw yung tanong sa no.1 : takot ka ba sa ahas? syempre matapang yung sagot ko dapat, ang sagot ko NO!. tapos makikita mo ulet yung tanong na yun sa no.34,56,191,234,989, ilang beses ata sa akin tinanong yan tapos sa pang no.(ewan,limot ko na) ang tanong eh ganto: sisigaw ka ba pag nakakita ka ng ahas? : umamin na ko. sagot ko yes! oo- takot ako sa ahas.. so ayun hindi na consistent yung sagot ko…
.
.
.
. Civil service exam: kinukuha ang exam na ito para makapagtrabaho ka sa gobyerno. ayun naipasa ko PROfessional Level pa. bongga talaga (napapdalas na ang pagsasabi ko ng bonnga) .
.
.
.
.Medical exam (maisingit lang) -eto masaya to, bago ka magtrabaho eh isa to sa requirements.. kaya ihanda mo na ang butas ng wetfox mo… hihi
.
.
.Licensure exam for teachers -ok eto ang paghahandaan ko… goodluck!!!!!
.
.
.
…
.
. ” ang buhay ay parang malaking test paper, pero bibigyan ka ng grade hindi dahil sa matalino ka o bobo ka, nakadepende ito sa gagawin mong effort sa paghahanda sa bawat pagsusulit!”
may mga bagay bagay dito sa mundo na ikaw at ang sarili mo lang talaga ang makaka-apreciate
random fact: mayroon lang akong isang pares ng pantalon at sapatos
Working.Experience.
Yeah natambakan na naman tayo ng mga sariwang college graduates ngayon at ayon sa aking obserbasyon dumodoble ang bilang ng tambay pagkatapos ng graduation dahil sa mga college graduates na walang mapasukan o gustong magpahinga. at least matatawag natin silang professional tambay (may iba’t-ibang uri kasi ng tambay - saka ko na lang ito tatalakayin sa susunod kong blog). Buti na lang pagkatapos kong grumaduate mga 2 weeks lang ako naging professional tambay hanggang sa dumating ang mabuting balita na kinukuha na ako para magtrabaho.
napakalaking bentahe talaga kapag marami kang working experience dahil siguro dito kaya 2 weeks lang ako naging professional tambay. may bahagi sa resume na kailangang ilagay ang mga karanasan mo sa trabaho (kung nag-aaral ka pa lang ngayon humanap ka na ng paraan kung paano mo malalagyan ang resume mo nito). madami sana akong gustong ilagay kaya lang hindi naman pupwede kaya sa blog na ito ko na lang ilalagay ang naging working experiences ko mula noong ako ay bata pa..
.
.
.
WORKING EXPERIENCES:
Position: Tindero ng Banana-q, Kamote-q at Turon-q
Age: 6 years old
Job Description: oo! grade 1 ako noon at kinakitaan na ko ng magulang ko ng potensyal na madali akong mauto kaya pag-awas ko ng 3pm sasalubong agad sa aking ang isang basket ng maiinit na saging at kamote na tinuhog sa stick at ilalako sa halagang 5 piso at 3 para sa turon.
Learnings: natutunan ko na pareho lang ang 5 pisong barya at 5 piso papel kaya dapat hindi na sinusuklian ng 6 na piso ang 5 pisong papel…
.
.
.
Position: Tindero ng Sumang Balinghoy
Age: 6 1/2 yeards old
Job Description: tuluyan ng inabuso ng magulang ko ang pagiging mabait ko kaya kahit bakasyon pinagpatuloy ko ang pagiging tindero ko and this time exotic na sumang malagkit na tig-pipiso ang rocket ko. (tig-pipiso para madaling suklian) may bukid kasi kame na tambak ng balinghoy.ang magulang ko ang producer ako naman ang distributor at minsan consumer.
Learnings: Natutunan ko agad na hindi lahat ng kaibigan ay tunay. nandyan lang sila kapag binibigyan mo sila ng libreng malagkit na sumang balinghoy.. =(
.
.
.
.
Position: Tindero ng Balut at Penoy
Age: 9 years old
Job Description: ang unang night shift na trabaho ko.nakikilala ko dito sila Boogie, Armstrong, Dogbow,Tutchang, at si Jakuul hinding hindi ko malilimutan ang mga ASONG ito. 8 piso pa ang balot noon at 5 piso lang ang penoy, ang kinikita ko pinambibili ko ng tecks (alam mo yan! Pokemon/ghost fighter/dragon ball)
Learnings: nalaman ko ang heograpiya ng brgy. namin. / naging pet lover din ako..
.
.
.
.
.
Position: Manager ng isang corporasyon ng mga jolen goma at laruang tau-tauhan
Age: 9 1/2
Job Description: masarap pagsabayin ang paglalaro at pagnenegosyo. may pinsan akong mayaman siya ang namumuhunan sa pagbili ng mga jolen, goma at tau-tauhan, ang tungkulin ko ay maghanap ng magpapalago o magpaparami nito sa sistemang larong pustahan (alam mo na yung mga ganong laro yung mga may tinatataya.. self -explanatory) pag dumami na yung mga items instant retail sales na ang kalalabasan. nag collapse ang kumpanya ng nabuwag ang kampihan (sana alam mo yung term, itanong mo na lang nakababata mong kapatid)
Learnings: dahil mas mura ang mga item na galing sa amin kesa sa tindahan. natutunan ko ang art of competition sa pamilihan..
.
.
.
.
to be continue………………… basta marami pa yan….
April.Fuls.Dey.
GUSTO MO BA MAKIUSO? ETO ANG ILAN SA MGA DAPAT MONG GAWIN:
- TUMAE KA SA KUBETA TAPOS WAG MONG BUHUSAN. nakahabol ka pa sa earth day dahil sa pagtitipid sa tubig. para mas april fools ang dating ibintang mo sa nakababata mong kapatid ang insidente.
- PUMARA NG DYIP AT PAG TUMIGIL NA MAGTATAKBO NA ULIT PAUWE. oh diba fool na fool ang dating mo habang natakbo ka pauwe.
- PUMUNTA KA SA S.M AT IPA-PAGE ANG SARILI. ayun idescribe ng maigi sa costumer service ang iyong sarili. kung mas extreme ang gusto mo magpahabol ka na rin sa mga security guard ng walang dahilan. o yeah!
- SUMIGAW KA NG SUNOG! MAMAYANG 3 NG MADALING ARAW. tapos mag sorry ka na lang pagkatapos.
- IBENTA SA BAKLA ANG MATALIK MONG KAIBIGAN NG HINDI NYA NALALAMAN. ilibre mo na lang siya sa jollibee pagkatapos.
- ITEXT MO ANG GF/BF NA AYAW MO NA SA KANYA. kapag sineryoso niya pwede ka ng umiyak.
- IPAGTAPAT SA IYONG MAGULANG NA HINDI TALAGA SILA ANG TUNAY MONG MAGULANG. huh?
- HUMINGI KA NG FAVOR SA BESTFRIEND MO THROUGH TEXT. SABIHIN MO SA KANYA NA PUMUNTA SIYA SA KANILANG KUSINA (O KAHIT SAANG LUGAR BASTA MALAYO SA KINALALAGYAN NIYA) PAG NANDUN NA SIYA WAG KA NG MAGREPLY.
- BUMILI NG KENDI SA TINDAHAN AT PAHIRAN NG HINOG NA SILI ANG LAMAN. IPAMIGAY PAGKATAPOS. bumili ka narin ng betadine at band-aid dahil kakailanganin mo din ito pagkatapos.
- ILIPAT SA CH.4 ANG T.V AT ABANGAN ANG BOLA NG LOTTO. KUMUHA NG LOTTO TICKET INTAYIN ANG BOLA AT MAGSISIGAW NA IKAW AY NANALO. tapos punitin agad ng hindi sinsadya para lahat ay manghinayang. umiyak kung kinakailangan,
oh ayan kung may april fuls day, sana may araw din para sa katinuan? kahit isang araw lang… di ba?
huh?
- lola: (habang nanonood ng t.v) tingnan mo yang asawa ni Paquiao nagpadagdag ng ilong
- ako: (tumingin sa t.v) huh? hindi naman ah, tingnan niyo nga iisa pa din
Simula na ng opisyal na baksyon bukas
malapit ng magwakas ang sabaw days ko… abangan….
mahigit isang buwan na akong sabaw…..
RF : hindi ko talaga naintindihan ang ibig sabihin ng RF pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat ..
education.for.all
naimbitahan ako na talakayin ang paksang ito bukas sa harap ng mga education college students.. pero syet lang hindi ko alam kung paano magsisimula.. gusto ko nang umasa sa swerte… sana may masabi akong makabuluhan bukas…
.
.
.
.
.
.
.
.education for all… (may masasabi ka ba tungkol dito?)